house-hunting 100001
June 14, 2006 by estelaaque
House-hunting 10001 Eto na naman ako. In search of a place to stay. Haaay. If I am to come up with a list of the things that I hate doing, this will definitely make it somewhere in the top. Malamang lang kasunod ng pagpapabunot ng ipin. What’s worse, akala ko talaga graduate na ako sa ganito. Fine! Sumagi rin naman sa isip ko na sometime soon eh maghahanap na naman ako ng matitirhan. But I never thought it would be this soon. At sa Manila pa! Parusa talaga. Buhay nga naman. What you avoid, sticks to you like a plague.
Dapat sanay na ako sa ganito. After 2 boarding houses, 1 dormitory, 1 condo, and 3 apartments, mani na lang dapat to. Pero hindi! Nakakahiya mang aminin, pero lahat ng tinirhan ko either nahanap ng friend ko or nakisali na lang ako. Syempre, being an independent woman (kuno), I go through the whole process. Bili ng Buy ‘N Sell, tingin sa dyaryo, maglista ng mga For Rent na nakapaskil sa poste, magtawag, ikot ikot sa residential areas. Pero ang ending ko pa rin, friends brigade. Thank God for friendships! Swerte ko
Sabado, June 10. Maagang dumating sila Kras, Mike, and Poy sa hotel. To the rescue na naman sa akin. Dalawang Buy ‘N Sell. Suyod sa real estate section. Tawag sa telepono. Ilang addresses na naka-shortlist. Mag-ubos ng gas sa Makati at Mandaluyong sa kakahanap ng mga addresses. Q & A with the landlords. Ang ending? WALA. Siguro nga mahirap talaga maghanap ng bahay. Mali. Mahirap makahanap ng gusto mong bahay. Mahirap kasi alam ko kung anong klase ang gusto ko. Mahirap kasi parati kong naiisip “syet may sarili naman kaming bahay na halos walang nakatira bat ako nandito”? Mahirap kasi kelangan matino ang landlord/lady. Mahirap kasi dapat within budget. Ayun,napagod ka na sa kakaikot, makukurta pa ang utak mo sa pag-iisip. Deal or no deal?
Haaay! Much like the search for a partner, ang hirap hanapin ng The One. Asus! Isali ba sa usapan. Wala. Basta, badtrip.
June 14, 2006 2330
ey ste! same sentiments here. ung tinitirhan ko ngayon, mukhang 1 year yata bago namin nahanap ng housemate ko. tapos umalis sya puntang sing, so eto na naman ako, nagha-house hunting. ang hirap pa nun, ang daming gamit, so iisipin mo na naman ang paglilipat. hahay. buhay nga naman ng hindi taga-rito sa Maynila…*sigh*
kay ngano lagi nga magpa-manila pa hahaha sige jack, this merits a few rounds of SMBs